Pinagkalooban si American football legend O.J. Simpson, na ang 1995 acquittal mula sa double murder na nagpayanig sa bansa, ng parole Huwebes (Biyernes sa Manila) matapos ang halos siyam na taong pagkakakulong sa salang armed robbery.

Ang four-member parole board sa western US state of Nevada ay nagkaisang bumoto na palayain ang 70-taong gulang na si Simpson matapos ang nakakatensyong public hearing na ipinakita nang live ng mga news networks.

Emosyonal si Simpson, nakayuko, at nagpasalamat sa parole commissioners, na makakalabas na ng kulungan sa Oktubre 1.

“I’ve done my time, you know?” lahad niya sa parole board, na nag-deliberate ng 30 minuto bago inihayag ang na­ging desisyon.

“I’ve done it as well and as respectfully as I think anybody can.”

Si Simpson ay ‘not guilty’ noong 1995 sa madugong murders ng kanyang dating asawang si Nicole Brown Simpson at kasamang lalaki na si Ron Goldman, sa kasong yumanig sa America at tinaguriang ‘Trial of the Century.’

Pero, ang dating National Football League running back at actor ay ibinalik sa kulungan noong 2008 nang masabit naman sa armed robbery nang sinundang taon ng dalawang sports memo­rabilia dealers sa isang Las Vegas resort.

Ayon kay Simpson sa trial, nais lamang niyang mabawi ang mga memorabilia na kanyang pag-aari.

“It was my property,” wika niya. “I wasn’t there to steal from anybody.”

“I had no intent to commit a crime,” dagdag pa niya. “If I would have made a better judgment back then, none of this would have never happened.”

Pagtatapos niya: “I’ve spent nine years making no excuses about anything. My commitment to change is to be a better person.”