Pinangunahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si United States (US) President Barack Obama na huwag siyang pasiklaban ng pagbibida patungkol sa extra-judicial killings.

Bago umabante at lumipad patungong Laos kahapon ng hapon, nagpasaring si Pangulong Digong sa US President at bumuga rin ng banat sa mga kolumnista na panay ang banat laban sa kanya sa isyu ng EJK na nagmimistulang “lap dogs” umano ng mga Kano.

“Extrajudicial kil­lings? To whom shall I address myself to and who will be asking the questions, may I know? You know, the Philippines is not a vassal state. We have long ceased to be a colo­ny of the United States. Alam mo, marami diyan, sa mga kolumnista, they look u­pon Obama and the United States as if we are the lap dogs of this country. I do not respond to anybody but to the people of the Republic of the Philippines. Wala akong pakialam sa kanya. Who is he?” pagdidiin ni Pa­ngulong Duterte.

“I am not beholden to anybody. Iyong mga ko­lumnista diyan na ‘wait until he meets,’ who is he? I am a President of the sovereign state, and we have long ceased to be a colony. I do not have any master, except the Fi­lipino people. Nobody but nobody,” giit pa nito.

“We have long been a Republic. I do not… I said, I do not kneel down before anybody else, except the Filipino in Quiapo walkin­g in misery and in extreme poverty and anger… No, I do not want to pick a quarrel with Obama but certainly, I would not appear to be beholden to anybody. I only am answera­ble, again, to the Filipino people who elected me as President. Period. Nobody but nobody should interfere. This is an independent country, nobody has the right to lecture on me. God, do not do it… mag­kababuyan tayo doon pag ginawa mo sa akin iyan,” hirit ni Pangulong Duterte.

17 Responses

  1. SINO BA SI OBAMA….MAKAKATULONG BA SIYA MAUBOS ANG DRUGLORD, PUSHER NA ADIK AT ANG MGA DIMONYONG TERRORISTANG KRIMINAL SA PINAS?…KAYA TAMA LANG P. DIGONG SOPLAHIN MO NA AGAD ANG PANINIRA NYA!!!!

  2. Sa aking opinyon, tama naman ang sinabi niya… tama lang na hindi panghimasukan ang pagpapalakad niya sa bansa. Nakikialam ba ang Pilipinas sa pamamahala nila? ang sa akin lang, marapat lang na hindi sila makialam lalo na sa EJK na sinasabi nila dahil hanggang ngayon nasa imbistigahan stage pa…. tama rin nman para sa akin na sa mga Pilipino siya may pananagutan, marami kasi lalo na sa mga nagbabalita na masyadong nakayakap sa America…sa halip na sariling atin ang pagyamanin eh mas gusto ang imported.. Opinyon ko lang nman..

    1. kaya di umuunlad ang Pilipinas, hati hati tayo eh. meron mga loyalty sa US kung saan dun na nagwork. meron din dito nakatira sa Pinas pero naguudyok ng gulo kaya nagsend ng wrong message sa america. bakit subukan ng mga taga America tumira dito lalo na sa mga gubat.

  3. President Duterte you should brush your teeth before you open your bad mouth…amoy amag kailangan kumuha ka uli ng good manners and right conduct sa elementary education,,naturingan abogado ka pero nakakahiya lumalabas sa bunganga mo kailanga siguro mag nganga ka muna bago ka magsalita…

      1. tama, ang gusto nila puro tango at ngiti ng autistic. me sense naman ang sinasabi n Duterte. its about time na maglecture ang Presidente or kung sino mang leader natin na wag panghimasukan ang problema ng bansa. ngayon kung hihingi tayo ng tulong sa kanila saka sila magcomment. their comments kasi galing din sa mga taga rito mga tunay na Pilipino pero pupunta sa US at dun maninira. ano ba yan. wala patriotism. history proved na lahat ng bansang pinakialaman ng US lalong nalublub sa lusak. look at Vietnam and other countries and the rest is history.

  4. tapang ni DU30, sa panahon ng kagipitan. Sino ba ang unang tumutulong sa Pinas? di ba US din. Maano ba namang mag hinay hinay sa pagsasalita. Alalahanin mo, bawat kilos at salita mo. hindi ikaw ang maaapektuhan, kundi ang buong Pilipinas

  5. DU30 is sow right in so many angles, my beloved country the Philippines is an Independent Free country it does not answer to any country big or small other country, we create our own path and destiny and laws. Amen

  6. And you don’t have the right to call the US President a son of a whore you idiot. Nakakahiya ka sa pagsasabing ikaw ang presidente ng Pilipinas dahil ang karangalan ng bansang Pilipinas ang dala mo kapag binubuka mo ang bibig mo. Dahil lang sa pagtatanong ng mga kolumnista tungkol sa EJK mumurahin mo ang presidente ng pinakamalakas na bansa sa mundo? Subukan mong huwag itiwalag ang Pilipinas sa UN at sa mga ibang assosayon ng pandaigdigang komunidad para malaman natin kung kaya nga ng ating bansa na tumayo sa sariling paa.