Obiena abangers sa Diamond League

Nakauon ang pansin ng unang Pilipinong nag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na si Ernest John ‘EJ’ Obiena sa unang posibleng maganap na kompetisyon ng World Athletics (WA) sakaling payagan na ang pagsasagawa ng mga paligsahan sa harap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ipinahayag ng 24-anyos, may taas na 6-2 at tubong Tondo, Maynila sa pagbubukas ng Philippine Athletics Track and Field Association Press Web-Conference Patafa In The Zone noong Linggo ng gabi, ang balak niyang pagsali sa Diamond League sa Nanjing, China sa Agosto.

“Yes, I will be joining the Diamond League which is the highest tournament under the international federation. That is a good tournament for me to see my opponent and to size me up on my chances in the 2021 Olympics,” aniya.

Ipinaliwanag ni Obiena sa web-con series na tuloy-tuloy lang ang kanyang training camp kasama ang premyadong coach na si Vitaly Petrov sa Fornea, Italy kasabay sa pag-obserba sa kanyang kalusugan at seguridad habang nasa panganib ang kanyang pinuntahag bansa sa global outbreak.

“Masyadong mainit po dito ngayon, kaya eto medyo sunog na sunog ako,” wika ni Obiena. “Medyo mahirap pa rin po ang situwasyon dito dahil sa coronavirus at hindi ko po inaasahan na makakauwi muna ako riyan sa Pilipinas kasi bawal pang tumawid sa border,” hirit ng 2019 men’s pole vault gold winners sa Naples Universide, Doha Asian Chapionships at PH SEA Games.

Aminado ang manlalaro na lubhang napakahirap ng kaniyang situwasyon. Pero sinisiguro ng kanyang coach na kada araw ay nagagawa ang kanilang normal practice.

“I didn’t give my best in 2019 Southeast Asian Games PH in anticipation of the Olympics. We were starting the build-up but came the announcement and the postponement happen. Or plan is to peak at Juen, but it happen. We will just continue the routine and train a little bit longer now and stay sharp, improve more before competing,” wakas na litanya ni Obiena. (Lito Oredo)