Kamakailan ay nagkaroon ng kauna-unahang event kung saan ay may fashion show, exhibit at launching ng coffee book ng Obra Maestra: A Portrait of Excellence in Philippine Fashion and Culture sa Shangri-la Edsa Mall.

Ang Obra Maestra ay koleksyon ng ebolusyon ng disenyo ng Filipinia­na mula pa sa pa­nahon ng kastila, Amerikano, Hapon at sa mo­dernong panahon.

Pinakita rito ang mga disenyo at gawa ng mga kauna-u­nahang designer sa a­ting bansa na sina Ramon Valera, Pitoy Moreno, Ben Feralles, R.T. Paras, Pacita Longos at Aureo Alonzo.

Ang main event ng fashion show ay mga disenyo sa makabagong panahon ng mga designer tulad nina Gerry Sunga, Joyce Pilarsky, Edgar San Diego, Ri­chard Papa, Rici Lizaso, Edgar Madamba, Ditta Sandico, Rene Salud, Steve De Leon, Jontie Martinez, Je­rome Na­varro, Philip Torres, Edwin Uy, Pero Diaz, Albert Figueras, Peter Lim, Delby Bragais, Roland Lirionl, Lito Perez and the late Eddie Baddeo.

Nagkaroon din ng harana ng mga kundiman musician na sina Sherwin Sozon, Toynton Pascual, Mike Austria, Al Gatmaitan, Homer Mendoza, Vince Conrad and Cathy Hipolito Mas.

Ang mga muse naman ng mga designer ay ang mga socialite, senior model at top model tulad nina Ms. Rose Tolentino Santiago, Karen Caganda, Chi Caparas at Iba pa.

Ang nag-conceptua­lized at nagdirek ng Obra Maestra ay si Zardo Ayangco-Austria.