May 12 karera ang nakatakdang umarangkada ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, tampok ang 2018 PHILRACOM Juvenile Championship na ilalarga sa Race 6.

Mag-uunahan ang 14 na matitikas na kabayo sa event na nakataya ang P1.5M na premyo para sa unang kabayong tatawid ng meta sa 1,600 meter event.

Patok sa karera tipsters ng programa ng karera si Obra Maestra na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association Jockey-of-the-Year Jessie B. Guce.

Subalit ayon sa ilan pang mga beteranong karerista rin, malaki ang tsansang manalo ng magkakamping sina Lady Mischief at Mood Swing.

“Mahirap magsalita, magaga­ling ang mga kalaban at siguradong naghanda rin sila ng todo dahil malaki ang premyo,” saad ni Guce.

Ang ibang kalahok ay sina Gatighan island, Mona’s Mark, Oktubre Katorse, Royal Bell, coupled entry Full Of Grace at Toy For The Bigboy, My Jopay, Serafina at Fo­rest Cover.

Ibubulsa ng second placer ang P562,500 habang may P312,500 at 125,000 ang iuuwi ng pangatlo at pang-apat na puwesto. (Elech Dawa)