Isang 20-anyos na construction worker ang napatay makaraang saksakin ng isang binatilyo sa Paombong, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rod David Eugenio, 20, binata, construction worker at residente sa bayan ng Paombong na namatay bunga ng malalim na saksak sa dibdib habang pinaghahanap naman ang suspek na itinago sa alias ‘Boy’ residente rin sa lugar.
Sinasabing nakatambay ang biktima sa tindahan malapit sa kanyang tinitirhan kasama ang ilang kaibigan nang biglang dumating ang suspek kasama ang mga kabarkada at nakasagutan nito ang biktimang si Eugenio.
Sa gitna ng pagtatalo ay biglang bumunot ng patalim ang suspek saka sinaksak ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.