SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Mga tama ng baril sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng isang 46-anyos na construction worker makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin noong Biyernes ng umaga sa may Brgy. Poblacion dito.
Batay sa ulat ni P/Chief Inspector Marlon Cudal sa tanggapan ni Mayor Arvin C. Salonga nakilala ang biktima na si Pablo Cuntapay Bulan, tubong Isabela province, residente ng Brgy. Luyos sa bayang ito.
Nabatid na dakong alas 5:15 ng madaling araw habang hinihintay ng biktima ang kuya nitong si Florencio Bulan na residente ng Licab, Nueva Ecija upang magtungo sa pinapasukan sa San Jose City noong mangyari ang pamamaslang.
Pawang mga basyo ng bala para sa cal.45 pistol ang nabawi sa lugar.
Inaalam pa ng pulisya sa pamilya ni Bulan kung ano ang posibleng dahilan sa nangyaring pamamaslang dito.