GAPAN CITY, Nueva Ecija — Napatay sa hataw ng dos por dos ang isang 27-anyos na construction worker noong Biyernes ng gabi sa Divina Pastora Subdivision, Brgy. Bayanihan dito.

Sa ulat ni P/Supt. Peter Madria nakilala ang biktima na si Mark Anthony Nuevas Sanchez, residente ng Brgy. Capehan, Tarlac City na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng gabi nang manggulo sa loob ng kanilang tinutuluyan ang lasing na si Sanchez at tinangka itong awatin ng salarin na si Ambrocio Lundang Manaloto, 52, residente ng Aquino St., Brgy. San Miguel, Tarlac City pero lalo itong nagwala kaya hinataw ito ng kahoy na agad nitong ikinamatay.