Utas ang isang construction worker makaraang pagpapaluin ng kahoy at payong ng isang barangay tanod at kasama nitong vendor sa Quezon City, noong Linggo.
Nakilala ang biktimang si Matt Castillo De Guia, 38, habang ang mga naarestong suspek aay sina Melvin Echon Haban, 41, barangay tanod ng Brgy. Bagbag at si Noel Bohol Donaire, 42.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente alas-kwatro ng hapon sa nasabing barangay. Ayon sa saksi, naglalakad sila ng biktima nang lapitan ng mga suspek at bigla na lamang pinaghahampas ng kahoy at payong si De Guia.
Hindi tinantanan ng mga suspek ang pagpalo sa biktima at nang duguan na itong bumagsak ay tumakas ang mga ito subalit kanalaunan ay naaresto rin ang tanod habang sumuko naman si Donaire sa Fairview Police Station.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero pumanaw kalaunan. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na insidente. (Dolly Cabreza)