Obrero tumalon sa ginagawang gusali

Patay ang isang construction worker matapos nitong tumalon sa hindi malamang palapag ng gusaling ginagawa sa Tondo, Maynila kahapon nang madaling-araw.

Sa imbestigasyon ni PMSgt. John Charles Duran ng Manila Police District-homicide section, dakong ala-1:30 nang madaling-araw nang madiskubre ang sugatang biktimang si Saldy, 42-anyos, tubong Lumban, Laguna at stay in sa labas ng kanilang tinutuluyang barracks sa may Capulong St. Tondo.

Mabilis itong isinugod sa Tondo Gene­ral Hospital pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Nico Rendon. Wala umanong senyales na ito’y pinatay, maliban sa ma­laking sugat sa ulo.

Bago ang insidente, sinabi umano ng kasamahan ng biktima na may gustong pumatay sa kanya, at bago umano siya nito mapatay ay uunahan na lamang umano niya ang mga ito.

Dakong alas- 11:00 nang gabi ay sinabihan pa si Saldy na magpahinga na at marami silang trabaho kinabukasan. (Juliet de Loza-Cudia)