OCD sinira sa underspending ng Kamara

Hinimok ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez ang Office of the Civil Defense (COD) ang aga­rang pagpapalabas ng pondo para matulungan ang mga biktima ng trahedya at kalamidad partikular ang katatapos pa lamang na pananalasa ng bagyong Lawin sa Northern Luzon na aabot sa P10.2B ang halaga ng nasirang inprastraktura at panananim.

“OCD should make sure that measures are in place to assist LGUs before, during and after natural calamities, especially that the Philippines remain highly vulnerable to the worst impacts of climate change” pahayag ni Sato.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang mambabatas sa natanggap na report na nagkakaroon ng underspending ang OCD sa mga donasyong pondo mula sa foreign at local, batay umano sa report ng COA ay aabot sa 83% ang underspending ng ahensya mula 2008 hanggang 2014.

“OCD should review policies and find ways how to properly, and in a timely manner, disburse disaster funds. The OCD should put in place guidelines, and simplify the procedures to hasten the release of disaster funds to resource-poor LGUs,” giit pa nito.

Umaasa si Sato na miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments na tutuparin ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ipinangako nito nang sumalang sya sa kanyang confirmation sa CA na hindi na magkakaroon ng underspending sa ilalim ng kanyang pamumuno.