OEC out, iDOLE ID in

Usapang Ofw ni Chingbee

Tuloy na tuloy na sa July 12 ang launch ng OFW ID card sa Aguinaldo Hall ng Malacañang, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang OFW ID ang sagot sa clamor ng OFWs na ibasura na ang OEC requirement.

Ang OEC ay ang overseas employment certificate na kailangang ipa­kita ng OFWs sa kanilang pag-alis ng bansa kahit pa ga­ling lang sila sa bakasyon. Ang OEC ang proof na OFW ang isang departing passenger at entitled sa terminal fee at travel tax exemption.

Hassle para sa OFWs ang OEC requirement dahil one-time use lang ito at ang haba ng pila na dapat bunuin bago makakuha ng naturang certificate.

Change

Yes, malaki na ang improvement sa pila sa pagkuha ng OEC dahil sa scheduling system pero it’s one requirement OFWs­ can do without. Bet any OFW would surely­ agree with this statement, folks.

Indeed, change has come sa OFW sector na nagsimula nang tapusin ni Presidente Duterte ang “tanim-bala” extortion scam sa Ninoy Aquino­ International Airport (NAIA) na bumiktima sa maraming pasahero, pati­ sa ilang foreigners, sa NAIA.

On other fronts, naka-line up na rin ang pagtatayo ng isang OFW ­Affairs Department, OFW Bank at OFW Hospital. Ang Postal­ Bank ay naka-schedule na i-absorb ng Land Bank at we can ­assume na ito ay preparatory para sa designation nito bilang OFW Bank.

iDOLE ID

Pero mabalik tayo sa OFW ID. Ito ay tatawa­ging iDOLE ID at ito ay magagamit sa maraming transactions sa gobyerno­ tulad ng sa Philhealth, ­Social Security System at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Hindi na kailangang mag-aplay ang isang OFW para makakuha ng iDOLE ID dahil automatic­ na bibigyan ng iDOLE IDs ang lahat ng OFWs.

Napakalaking kagin­hawahan ng iDOLE ID para sa OFWs.

Once nabig­yan na sila nito ay hindi na nila kailangang mag-aksaya ng panahon at pera sa pagpila para kumuha ng OEC.

Follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and suggestions.