OEC mababasura?

usapang ofw-box chingbee

Finally ay baka ma-scrap na rin ang overseas employment certificate (OEC) ­requirements na kinaiinisan ng ­maraming overseas Filipino ­workers.

Ang OEC ang nagi­ging pruweba na ang isang papaalis na pasa­hero ng eroplano ay isang OFW at entitled sa terminal fee at travel tax exemptions alinsunod sa Migrant Workers’ Act.

Nakarating na sa kaalaman ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan pa rin ang maraming OFWs sa pagkuha ng OEC dahil sa hassle na pila bagama’t available na ang OEC via appointment.

Unnecessary Inatasan na ni Pangulong Duterte si Labor Secre­tary Silvestre Bello na tingnan ang hinaing ng OFWs laban sa OEC, na hindi naman talaga kailangan kung tutuu­sin.

Napakarami naman kasing ibang pwedeng magpatunay sa pagiging OFWs ng isang departing passenger. Ilan lang ang diyan ang working permit o working visa, employment contract at company ID sa bakasyunista na babalik sa jobsite.

Pahirap lang at next to useless ang OEC para sa OFWs at this being the case baka naman tuluyan na itong ibasura ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Breaker

Inihahanda na ang draft law para sa pagtatayo ng isang OFW Bank ayon sa Malakanyang. Isa ito sa mga OFW-related measures na isinusulong kabilang ang pagtatayo ng OFW Department at OFW Hospital.

Kung inyong nata­tandaan, isa ang Postal Bank ng Philpost sa ikinukunsidera na gawing OFW Bank, na tatanggap ng remittances sa abroad at magpapautang din sa OFWs at OFW families.

Ang pagkakaroon ng OFW Bank ay maihahalintulad sa Land Bank na siya namang bangko ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Ang OFW Hospital naman ay maihaham­bing sa Veterans Hospital.

***

Come follow Me On Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.comn for your comments and suggestions.