NEW ORLEANS — Sa fourth quarter ng All-Star Game, dinig ni DeAndre Jordan sa kinauupuan sa Western Conference bench ang sigaw ng ilang fans.
Ang hiyaw nila: “De-fense! De-fense!”
Sagot ni Jordan: “No, no, no!”
Wala halos depensa sa laro Linggo ng gabi sa showcase game ng NBA, nang basagin ni Anthony Davis ang 55-year-old record sa nilistang 52 points at tinalo ng West ang East 192-182.
“All-Star is about offense and giving the crowd a show, but if they want to see a little more defense as fans and everything – I mean, nobody wants to go out here and get hurt,” wika ni Davis, ang MVP ng game sa kanyang home arena. “It’s all about fun. … I love it. I don’t really care. I’ll go out there and have fun. I didn’t play any defense.”
May 33 steals sa game, pero karamihan ay resulta ng bad passes. May 16 fouls, pero ginawa para lang mapigil ang clock at makapasok ang substitutions at apat lang ang shooting foul. Sa isang eksena ay humiga si Stephen Curry sa court habang pa-drive si Giannis Antetokounmpo para isalaksak ang isa sa kanyang 12 dunks.
Tumira si Davis ng 39 shots, pasok ang 26 – pareho nang All-Star records. Nilista rin ng game ang records sa total points (384), most field goals (162), most assists (103), most assists by one team (West, 60), most points in one quarter (101, first). Iginuhit din ng East ang bagong high score ng isang losing team.