Inanunsiyo ng rapper na si Cardi B nitong ika-5 ng Disyembre ang hiwalayan nila ng asawa na si Offset.
Subalit nakikipagbalikan na si Offset at pilit na humihingi ng kapatawaran para sa mga nagawa niya.Nito nga lang December 15 ay may pakulo si Offset at naglatag ng $15,000 na halaga ng roses sa stage ng Rolling Loud Festival sa Los Angeles. Nakaporma ang mga bulaklak na nagsasabing “TAKE ME BACK CARDI.”Nag-post rin si Offset sa kanyang Instagram ng video na ang tanging hiling lang niya sa kaarawan niya ay ang mabalik ang pamilya niya.
Nais niyang makapiling din ang mga anak niya sa darating na Pasko.Isa rin kasi sa dahilan ng hiwalayan nila ay dahil sa dalawang buwan bago isilang ang anak nila na si Kulture Kiari Cephus ay nagpaplano umano si Offset na makipag-threesome sa rapper na si Cuban Doll at Instagram model na si Summer Bunni. Itinanggi naman ni Offset na nangyari ang balak nila.
Sa ngayon ay magulo ang isip ng Hollywood rapper kung muli niyang tatanggapin si Offset sa buhay nila ng anak niya.Ani source ng @Hollywoodlife na malapit sa celebrity couple, “Cardi has mixed emotions because she likes that Offset is trying to get her back, but she is also having feelings that he is trying too hard and he is doing things too late.”
Natatakot din umano si Cardi na baka bumalik din sa dating ugali ang asawa sa oras na bigyan niya ito ng ikalawang pagkakataon.Dagdag pa ng source, “It’s hard to manage her emotions and feelings all around the holidays, Offset’s birthday, her career and what is best for Kulture, but she is trying to figure it out all in her head and hopefully will make a final decision soon.”
Ronaline Avecilla