Oftana nagbasketbol sa ulan

Dibdiban ngayon sa pag-eensayo si National Collegiate Athletic Association star Calvin John Oftana bilang paghahanda sa 2020-2021 NCAA Season 96 na planong buksan sa Nobyembre o depende sa COVID-19 pandemic.

Nasilip sa social media na kahit basa ang kanilang bakuran sa pagbuhos ng ulan ay para itong batang nagtampisaw at in-enjoy ang pagba-basketball.

Sa Instagram story ng reigning league MVP at San Beda University Red Lions 6-5 shooting guard, makikita sa isa pang post na ‘ball is life’ pa rin ang kanyang peg dahil tuloy-tuloy pa rin sa paglalaro kahit bumubhos ang ulan.

Naglista ang incoming fifth year cager ng average na 15.6 points, 8.2 rebounds, 2.7 assists at 1.2 blocks sa nakaraang season na natapos noong Nobyembre kung saan na-sweep ng Mendiola-based sqquad ang 18-0 eliminations bago kinapos sa Game 3 Finals kontra Colegio de San Juan de Letran Knights.

Armado siya at ang Beda sa pagresbak dahil todo sa ensayo kahit nakasailalim pa sa quarantine ang Luzon at hindi pa pinal ang simula ng susunod na NCAA season.

“Learning lesson siya,” saad ni Calvin. “Babawi kami, babawi kami!” (Aivan Denzel Episcope)