Seryoso pala talaga ang pamahalaan na magtayo ng isang bangko na magke-cater sa banking needs ng overseas Filipino workers (OFWs). In fact, nakapag-pool na raw ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng P20 billion bilang seed ng naturang OFW bank.
For sure ay ikababahala ng commercial banks at remittance centers ang balitang ito dahil puwedeng makopo ng naturang OFW bank ang remittances ng OFWs.
Siyempre pa, kung magkakaroon ng affinity ang OFWs sa isang bangko na itinatag specifically para sa kanilang needs, malamang ay tangkilikin din nila ito bilang remittance channel.
Lobby
May magla-lobby kaya sa hanay ng commercial banks para limitahan ang operasyon ng OFW bank sa lending activities? Kung meron man, pumayag naman kaya ang pamahalaan na hindi makakuha ng kita mula sa remittance handling fees?
Wala pa namang malinaw sa plano ng gobyerno para sa naturang OFW bank so ini-expect natin dito sa Usapang OFW na wait-and-see lang ang magiging stance ng commercial banks kaugnay nito.
Just the same, maganda na madagdagan ang competition sa handling ng US$27 billion OFW remittances para naman mas bumaba pa ang remittance fees.
Puro balak lang
Halos lahat yata ng nakaraang administrasyon ay nagbalak magtayo ng OFW bank pero wala namang natuloy dahil na rin siguro sa may humaharang o ‘di kaya ay kawalan ng nagtimon to see it through.
Sa kasalukuyan ay ang Land Bank of the Philippines at ang Development Bank of the Philippines ang nagpo-provide ng loan facilities sa mga OFW.
Pero maraming OFWs at OFW families ang nadismaya sa P2 billion OFW Reintegration Program ng OWWA through Land Bank. Ang common complaint ay masyado raw maraming requirements na hiningi para sa mga nag-attempt na mangutang ng capital sa negosyo.
Contract clause
On another issue, nasa Hong Kong ang ating labor officials upang igiit ang paglalagay ng clause sa labor contracts ng mga Filipino household workers doon na hindi kasama sa responsibilidad nila ang paglilinis ng bintana sa high-rise condo units.
Isang 35-anyos na Pinay domestic helper kasi ang nahulog at namatay habang nililinis ang bintana ng high-rise apartment ng kanyang employer.
Well, let’s see kung magiging successful ang trip na ito ng ating labor officials. Follow Me On Twitter @beeslist, and email me at usapang_ofw@yahoo.com or call 551-5163.