If plans do not miscarry, January next year ang target ng Department of Finance (DOF) na pasimulan ang US$500 million bond offering sa OFWs, particularly sa US at Saudi Arabia.

Mahaba-haba ang preparation sa bond offer dahil kakailanganin ng ating pamahalaan na mag-secure ng kaukulang permits sa Saudi at US governments bago direktang mai-offer ang investment products sa OFWs.

As per our national treasurer, nagkaroon na ng bond offering sa OFW sector noong 2009 pero ito ay isinagawa locally at mahigit US$300 ang nalikom.

Very liquid

Very liquid daw ang OFWs kung kaya inaasahan nilang US$500 ang mabebentang bonds. Ang premise ay may naitatabing pera ang OFWs sa respective host countries nila, at least when it comes sa OFWs sa US at Saudi.

Ang assumption na ito ng DOF may run counter sa recent surveys na nagsasabing isa lang sa bawat sampung OFWs ang may naiipon na pera by the time na mag-retire sila.

Pero kung iisipin, walang conflict kasi ang target ng OFW bonds ay current OFWs samantalang ang respondents sa surveys ay ex-OFWs.

Financial literacy

Baka makatulong pa nga ang bond offer sa financial literacy campaign sa OFWs dahil may kasama itong paseminar sa mga bibili.

Ang government bonds ang isa sa pinaka-safe na investment product na siguradong makukubra ang pera – ang face value ng bond at interest na kinita – sa maturity date.

But of course, mas matagal ang maturity date ay mas malaki ang interest na kikitain. By this time, hindi pa natin alam kung ilang years ang maturity period ng mga bonds.

General rule

Ang kagandahan sa bonds ay pwede rin itong kubrahin kahit hindi pa dumarating ang maturity period. Napakahalaga nito para sa mga investor lalo na sa OFWs kung bigla silang mangailangan ng pera.

Pero just the same, rule sa investment na hindi dapat ini-invest ang emergency money tulad ng pampaospital halimbawa na isinasama sa savings.

As a general rule, hindi ini-invest ang pera na hindi tayo handa na mawala kung malugi halimbawa ang pinili na­ting investment vehicle lalo na kung high risk dahil malaki ang kita.

Follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 and email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.