Isang panukalang batas ang inihain ng ACTS-OFW party-list sa Kamara na nagnanais magtatag ng Department of Migration and Development upang mapabilis ang pagbibi­gay ng tulong at serbisyo sa mga kababa­yan nating overseas Filipin­o wor­kers (OFW) at sa kanilang pamilya.

Kaakibat ito ng panukalang batas na inihain ni Sen. Cynthia Villar kamakailan lamang sa Senado na nagnanais magtayo ng hiwalay na ahensyang tutugon sa mga hinaing at panga­ngailangan ng mga OFWs.

Ipinaliwanag ni ACTS-OFW party-list Rep. John Bertiz III, isa ring dating OFW, na ang inihain nilang House Bill No. 192 ay tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng ahensyang magpapadali sa pagproseso ng mga dokumento ng mga nais magtrabaho sa ibang bansa o sa mga kasalukuyang nagtatrabaho na sa abroad.

Sa ilalim ng panukala, pag-iisahin na lamang ang iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa mga OFWs.

One Response