Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of OFW.

Nakalusot ang panukala sa botong 173 pabor dito habang 11 ang kontra.

Pangunahing tututukan ng panukalang kagawaran ang pagtulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) na biktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Gayundin ang pagkakaloob ng social at welfare services sa mga OFW tulad ng insurance at iba pang benepisyo. (Eralyn Prado)