Bumagsak ng 5.4 percent ang OFW cash at personal remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) sa seven-month period na nagtapos noong July, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang pagbagsak ng remittances sa formal banking at remittance channels ay pinalabas ng isang bangko. It is expected dahil isa sa bread and butter ng banking sector ang pag-handle ng OFW remittances.
So, kung bagsak ang remittances ng overseas Filipinos ay apektado rin ang profitability ng local banks considering na mahigit US$28 bilyon ang annual OFW inflow na pinag-uusapan natin dito.
Contraction
Pero higit pa sa pagbagsak ng remittances, na isa sa nagsisilbing sandigan ng Philippine economy, mas nakababahala ang contraction o pagliit ng OFW deployment figures.
Would you believe na ayon sa datos ng BSP ay bumaba ng 10.3 percent ang deployment ng land-based OFWs at nakababahalang 44.4 percent naman ang ibinagsak ng deployment rate ng sea-based OFWs?
Maraming pwedeng dahilan ang contraction. No. 1 diyan ang freeze hiring o pagkakaroon ng limited hiring ng expat workers sa Middle East dahil sa pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.
Factors
In fact, hindi ba’t hindi bababa sa 11,000 OFWs ang nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia?
E iyon pang mga na-layoff sa iba pang oil-exporting countries, kung meron man?
Factor din ang pagiging highly competitive ng ibang nationalities sa kumokonting bilang ng patrabaho na traditionally ay preference ng employers ang OFWs.
Kung lamang ang mga Filipino dahil sa command ng English language, humabol na rin diyan ang mga Indians at kung sinu-sino pa.
Adverse reports
Ang tanong: Ano ba ang nangyayari sa sea-based sector at halos 50 percent ang ibinagsak ng ating deployment figures?
Hindi na ba ang Pilipinas ang No. 1 source ng seafarers sa buong mundo? May epekto ba ang adverse reports ng ilang international maritime organizations sa kalidad ng graduates ng ating seafarers’ academies? May kinalaman ba iyan sa pagsusulputan dati ng fly-by-night maritime schools?
We will dig a little deeper into this matter next issue.
Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, call 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.