Nananawagan ng hustisya ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, gayundin ang mga kaanak ng isang bakasyunistang OFW na inaresto sa isang checkpoint sa Cavite kamakailan pero kalaunan ay nadiskubreng wala nang buhay.
Kinilala ang pinaslang na OFW na sinasabing biktima ng extra-judicial killing (EJK) na si Mark Culata, na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at taga-Tanza, Cavite.
Hindi na makilala ang bangkay ni Culata nang matagpuan sa Barangay Lambingan, Tanza, Cavite matapos itong paslangin noong Setyembre 9.
Ayon sa mga kaanak ng biktima halos sumabog ang ulo dahil sa tama ng dami nang bala bukod pa sa may mga senyales na sumailalim ito sa torture nang matagpuan.
Sa ulat ng Tanza Police nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang OFW na binalutan ng masking tape ang bibig. May cardboard ding ikinabit sa bangkay nito na ang nakasulat ay “Pusher Ako” at may mga natagpuang shotgun shell, black bag, sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Pero umalma ang mga kaanak ng biktima sa alegasyong drug pusher ang OFW dahil nagbabakasyon lamang umano ito sa bansa.
Nagdesisyong magreklamo ang pamilya ng OFW makaraan ang mahigit isang buwan nang makakuha sila ng CCTV footage isang araw bago natagpuan ang bangkay ng OFW.
Sa kuha ng CCTV na may petsang Setyembre 8, 2016 alas-11:13 ng gabi nakunan si Culata na sakay ng kanyang motorsiklo para bumili ng burger.
Sampung minuto ang nakalipas ay tatlong pulis ang nakitang nag-iinspeksyon sa lugar kung saan dumaan si Culata.
Nakita rin sa CCTV footage na ang police mobile number 110 ay dumating at dinampot si Culata habang ang dalawang pulis ay sakay ng motorsiklo ni Culata. Sumunod na eksena ay nakita na ang OFW na sakay ng mobile car si Culata.
Kung pagbabasehan ang CCTV footage ayon sa ina ng biktimang si Eva Culata ay mga pulis ang huling nakasama ng kanyang anak.
Inireklamo rin ng ginang ang kawalan ng police blotter sa pangyayari at itinanggi ring may inilatag na checkpoint ng nasabing oras.
OFWs takot nang mag-Pasko sa Pinas
Sinabi naman ni U-OFW at OPC lead convenor John Monterona, Saudi-based Filipino community leader na dahil sa sinapit ni Culata ay marami nang OFWs ang natatakot umuwi ng Pilipinas sa darating na Kapaskuhan.
Nanawagan din ang OFW group ng hustisya para kay Culata at umapelang huwag idamay ang mga nagbabakasyong OFWs sa serye ng extra-judicial killing sa bansa.
Ang extrajudicial killing sa OFW ayon kay Monterona ay may chilling effect sa mga OFWs lalo ang mga magpa-Pasko sa Pilipinas na kanselahin ang kanilang bakasyon.
“Paulit-ulit kong pinanuod ang news report, talagang kahit saan mo tingnan, biktima si Mark ng extrajudicial killing,”ayon kay Monterona.
HAHAHA…KAWAWA DAW OH….MABUTI NGA SA PINAS NA NATUMBA…EH KUNG NAKABALIK PA YAN SA IBANG BANSA AT NAHULI…PAHIRAP NANAMAN SA TAONG BAYAN YAN KASI HIHINGI NG BLOOD MONEY…..PMA KA NA FOREVER TATANG!!!! HAHAHA
du30 …Pa imbestigahan mo kung sinu pumatay sa ofw…wawa naman!
Safe na safe ang lansangan kahit sa gabi – Duterte
kailangan maimbestigahan ang mga pulis na nanghuli sa kanya at managot sa ginawa nila. halata namang sila ang gumawa.
yan problema naman ngayon pati hindi adik/pusher basta nakursunadahan patayin na lang sabay sasabihin adik