Sir/Madame,

Complain ko po yung Jordanians na nagbibigay tao sa employer sa ginawa nya sakin. Namaga po ung paa hindi pa ako ganon kalakas para magtrabaho subalit ang ginawa ng Jordanians ay sinasakay ako pilit sa sasakyan nya tapos sinabi pa nya ipa-police nya ko. Tinatakot ako ginawa po nya pinaalis ako sa tirahan naming.

Ginagawa ko po ngayon ay nakikituloy sa mga nakilalang Pinoy dito. Sobrang natakot po ako pinapirma ng kasunduhan nakalagay sa pinapirma nila sakin na wala na silang pakialam sa akin oras na may nangyari sakin dito. Sagut ko lahat sobrang natakot po ako kaya napilitan po ako magpirma kahit hindi ko gusto ang pinapirma nila saakin.

Ngayon po gusto nilang mangyari kailangan magbayad muna daw po ako bago nila ako pauwiin ng Pilipinas sobrang natrauma po ako.

Pumunta ng agency sa Pinas ang bayaw ko, ginawa po ng agency dun kung gusto po daw ako makauwi kailangan daw po akong magbyad ngayon po sobrang trauma na po inabot ko sa ginawa nila.Hindi nako lumalabas ng bahay ngayon dito.

Gusto ko na pong makauwi ng Pinas po sana ako po inyong matulungan dahil pinagkakaisahan na po ako dito sa office namin sinasabi lahat ng pananakot sa akin.

Darwin Camaya

***

Ang email ni Darwin Camaya ay ipinadaan sa U-OFW na pinamumunuan ni John Leonard Monterona na itinurn-over sa Bayani Ka! OFW Inbox upang maging kabahagi sa pangangalampag sa mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa problema ng mga OFWs.

Kaakibat nito ay tinatawagan natin ang atensyon ng POLO-OWWA AL KHOBAR-KSA OWW­A RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR upang mapagkalooban ng kaukulang ayuda.

Si Darwin Camaya ay enempleyo ng Green Crescen­t Recruitment agency sa Pilipinas at Crysta­l Recruitment Agency sa Saudi Arabia na ang employer ay si Bilal Bazzi at dineploy noong Mayo 10, 2015 sa Saudi Arabia.

***

Sa pakikipag-ugnayan ng aming Reporter na si Armida Rico sa pamunuan ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) sa pamamagitan ni Yolanda Peñaranda, hepe ng Repatriation Office ng OWWA ay tumugon sa panawagan ng kababa­yan nating OFW na si Virgie Bautista na nauna na­ting nalathala sa pitak na ito. Nagpapasaklolo si Bautista at gusto nang makauwi ng Pilipinas dahil hindi siya pinapasahod ng kanyang amo.

Ayon sa opisyal makikipag-usap ito sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia upang matulungan si Bautista na mapauwi kanya nga lamang ay matatagalan daw dahil sa mahabang prosesong pagdaraanan.

Sinabi pa ni Peñaranda na nagkakaroon din ng koordinasyon ang POLO-OWWA sa employer ni Bautista para makauwi ito nang walang problema at kaso.