OFW na tumira kay Duterte pinaubaya sa Taiwan

Iginagalang ng Malacañang ang pagtanggi ng gobyerno ng Taiwan na i-deport ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nambastos kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naiintindihan niya ang punto ng Taiwanese government sa pagpapatupad ng batas gaya ng ginagawa ng Pilipinas sa mga dayuhan habang nasa bansa.

“We leave the Filipino caregiver to the jurisdiction of Taiwanese authorities, because deportation is really a decision to be made by Taiwanese authorities- which forms part of China,” ani Roque.

Nauna rito, mistulang inilaglag naman ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chief Lito Banayo ang labor attache’ na nagpapa-deport sa OFW matapos sabihing sariling inisyatibo ito ng labor official at hindi desisyon ng gobyerno.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens sa pagpapa-deport sa naturang OFE kung saan maraming tagasuporta ni Pangulong Duterte ang nagalit dahil sa pambabastos nito sa Punong Ehekutibo habang kumampi naman ang iba sa ginawa sa Filipina caregiver. (Aileen Taliping)