Sirs/Madames,
Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Elma Balucanag Magday. She claimed that she has been overworked and with only 3 hours rest.
She claimed that she has not been provided a room of her own to rest. Thus, she has decided to be repatriated. Below additional information and brief narrative of her deplorable condition.
We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona
United OFW Worldwide
cc:
S & I International Management Inc.
POEA REPATRIATION UNIT
OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR
POLO-OWWA, Riyadh-KSA
***
December 18, 2015 po ako dumating sa unang amo ko. Six days lang po ako sa kanila kasi po kinuha po lahat ng gamit ko pati CP. Na-homesick po ako kaya po umiiyak ako at sinabi ko po na uuwi na ako ng Pilipinas binalik po ako rito sa agency. Noong ok na po ako binigyan po ako ng panibagong amo, pumayag po ako sinabi na isang bata ang aalagaan ko at maglilinis po ako ng bahay.
Noong una po OK nu’ng naka-one month ako naging apat na po alaga ko pati na po ‘yung baby alaga ko na rin tapos po wala po akong sariling kwarto sa lapag po ako natutulog kumot lang po banig ko.
Sumasakit po likod ko, ‘pag sinabi ko po sa amo ko na aalis na ako sinasabi po lagi na ipapa-pulis daw po niya ako. Natakot po ako kaya naka-four months po ako sa kanila.
Hindi ko na po makayanan talaga dahil 3-oras na lang po tulog ko. Nagpilit po ako ihatid dito sa agency noong May 7, 2016 po. Gusto ko pa po magtrabaho kaya hinanapan po ako ulit ng amo sinabi po mag-aalaga daw ng matanda pumayag po ako 3-days ako po sa bahay ng amo ko tapos po sinabi niya na lilipat daw po ako sa kapatid niya pumayag po ako dahil nandun daw tatay niya.
Pero ‘di po niya sinabi na nasa Abha ang kapatid niya kaya nagtaka po ako nu’ng dalhin niya ako sa airport. Hindi po sinabi na hindi rito sa Riyadh ako work.
Natakot po ako kaya ‘di po ako pumayag nadalhin ako sa Abha, natakot na po ako ulit magtrabaho kaya po gusto ko na po makauwi kasi ‘di na po kaya ng isip ko. Ayaw ko na po. Talagang gusto ko na po makauwi. Sana po matulungan ninyo ako.
Elma Balucanag Magday
Recruitment agency sa Pilipinas: S & I international Management Inc.
Saudi Arabia recruitment agency: Akeem Manpower Recruitment Office
***
Panawagan sa POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR, POLO-OWWA, Riyadh-KSA.
Narito po ang sitwasyon ng kababayan nating si Elma Balucanag at sana ay mabigyang-pansin ng mga kinauukulang ahensya na nauna na ring nilapitan ng U-OFW Worldwide sa pangunguna ni G. Monterona.
Ilalabas po natin sa mga susunod na isyu ang estado ng kasong ito ng kababayan nating si Elma.