Magandang araw po,

Humihingi po ako ng tulong dahil nahihirapan ho kasi ako sa mga alaga ko at isa pa ho pinagsasalitaan ako ng masasakit hindi lang ho ng amo ko pati mga kapatid niya. Sinabi pa hong masama raw akong babae.

Naghilom na nga ‘yung mga kalmot ng mga bata tsaka kung anong mahawakan niya binabato niya sa akin. Natatakot na rin ho ako baka may mangyari sa mga bata at kahit hindi ko kasalanan baka pagbibintangan ako.

Sana po matulungan niyo ako. Gusto ko na lang umuwi ng Pilipinas at sana ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

***

Si Mari-Ann Jaramil­ Equiab ay dumating sa Oman noong pang Dis­yembre 12, 2015 sa pamamagitan ng ORTIZ AGENCY AND EMPLOYMENT SERVICES at pinagtrabaho sa isang AHMED MOHAMMED MAYOOF ALRASHDI sa SALALA, NORTH SAADAH.

Pero hindi naging maganda ang kanyang sitwasyon sa kanyang employer kaya humiling na itong ma-repatriate kaya nakipag-ugnayan ito sa U-OFW at sa BayaniKa upang mabigyan ng karampatang tulong.

Nagawa naman ng U-OFW ang kahilingan ni Equiab at naiparating na sa mga kinauukulang ahensya ng gobyernong nangangalaga sa kapakanan ng mga OFWs kagaya ng POLO-OWWA OMAN, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMI­NISTRATOR pero nananatiling wala pa ring aksyon ang mga kinauukulan.

Kaya naman sa pamamagitan ng Bayani­Ka ay muling tayong nana­nawagan sa OWWA at POEA na bigyang atensyon ang mga katulad ni Equiab na nangangailangan ng kalinga ng pamahalaan upang hindi na mapahamak.