Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance to locate and get an update on the whereabouts and situation of OFW Ms. Marilou Angeles Tia. As per her kin, she has not been contacted since April 2016 up to this day. Please find attached additional information.

We will highly appreciate­ for your affirmative action to know her condition.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona, United OFW Worldwide

***

Nauna nang humingi ng tulong sa U-OFW ang mga kamag-anak ni MARILOU ANGELES-TIA dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila ito makontak. Mula umano Abril ng taong kasalukuyan ay hindi na nakaugnayan ng mga kaanak si MARILOU na nagtatrabaho sa Saudi Arabia­ kaya lumapit na ang mga ito sa U-OFW sa pag-asang matulungan silang ­matunton ang nawawalang kaanak.

Kaugnay nito ay humiling ang U-OFW sa POEA na mag-isyu ng temporary suspension order sa LGH Int’l Services Inc., ang ahensya sa Pilipinas na nagpadala kay MARILOU sa Saudi Arabia upang maobligang mahanap ang OFW.

Kumilos na rin ang U-OFW at kinalampag ang POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD POEA ­REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR­ sa kaso pero nananatiling walang tugon ang nasabing mga ahensya at tanggapan ng gobyerno kaya nakipag-ugnayan na rin ang U-OFW sa BayaniKa ng Abante TONITE upang makatulong sa mas mabi­lis na pagtunton sa hindi na makontak na OFW sa Saudi.

***

Ang BayaniKa ay makikipag-ugnayan din sa POEA at OWWA para sa mas mabilis na aksyon. Anuman ang magi­ging­ katugunan ng nasa­bing mga ahensya ng gobyern­o ay agad naming ipaaalam sa U-OFW at sa mga kaanak ni MARI­LOU na alam nating labis na ang pag-aalala sa hindi makaugnayang kaanak.