Sir/Madame,
Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Balbona. Pls. find additional information below sent by the OFW. We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW
***
Bukod sa pinapasukan kong amo ay pinapatrabaho ako sa bahay ng mga magulang ng amo kong babae.
Tapos kahit nagtatrabaho ako sinasabi pa nila na hindi ako nagtrabaho. Pumupunta rin kami sa bahay ng unang asawa ni sir at nagtatrabaho rin doon. Pag hindi nagtatrabaho sinusumbong kami ng mga kapatid ni sir kay madam.
Tapos sabi ni madam hold daw niya ‘yung sahod ko na 1,000 every month. Ang matatanggap ko lang daw na sahod 550 kada buwan hanggang sa mabuo niya ‘yung hinihingi niyang 8,000 dirhams at pauwiin niya ako sa Pinas.
Pinapahanap din po niya ako ng bagong employer para mapuntahan ko at maibalik sa kanya ‘yung pera na hinihingi niya sa’kin.
Sana matulungan niyo ako.
Rachelle I. Balbona
***
Si Rachelle Balbona ay nakarating sa UAE sa pamamagitan ng Quintinians placement agency na ang counterpart sa UAE ay Tom Agency at namamasukan sa isang Ali Ahmed Almarzouqi.
Setyembre 23, 2015 pa dumating ng UAE si Rachelle at ganito ang kanyang sinapit.
Kaya naman nakipag-ugnayan si Ms. Balbona sa U-OFW at sa BayaniKa upang matulungan.
Gayunman, naipagbigay-alam na ng U-OFW ang hinaing ni Balbona sa POLO-OWWA, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero nananatiling walang aksyong ginagawa ang nasabing mga tanggapan.
Kaya naman nananawagan tayo sa tanggapan ng POEA at OWWA na silipin ang lagay ni Ms. Balbona upang mabigyan ng karampatang tugon. Ang BayaniKa ay makikipag-ugnayan din sa POEA at OWWA upang i-follow-up kung ano ang naging aksyon o tugon sa ipinarating na kahilingan ng OFW at ng U-OFW.