OFWs exempted sa OEC      

Exempted na ang mga balikbayang overseas Filipino workers (OFWs) na makakuha ng oversees employment certificate (OEC) requirement.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, napagdesisyunan ng Governing Board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na i-exempt ang mga OFWs sa pagkuha ng nasabing sertipikasyon.

Sa ilalim ng GB Resolution No. 12, series of 2016, ang mga OFWs na pabalik sa dating employer nito at jobsite ay exempted na sa overseas employment certificate (OEC) requirement.

Aniya, sa panahon ng peak seasons tulad ng Christmas holidays at school graduations ay umaabot ng hanggang 7,000 kada araw ang hiling ng mga OFWs para sa OEC.

Maliban dito ay exempted din sa pagbabayad ng travel tax at terminal fees ang mga OFWs na nagpaparehistro sa Balik-Manggagawa Online sa pamamagitan ng pagpapakita ng work visa, work permit, valid contract, o katumbas na dokumento tulad ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at ang Manila International Airport Authority (MIAA).