Kinumpirma ng comedian/talent manager na si Ogie Diaz na nag-ober da bakod na nga si Ysabel Ortega. Si Ysabel ay anak nina ex-Sen Lito Lapid at DSWD Assistant Secretary Michelle Ortega. Dati siyang contract artist ng Kapamilya Network.
Nang inusisa namin ang Kapamilya comedian, bantulot siyang sagutin ang aming tanong. Pero napilitan ding sabihin ang real score sa alaga niyang si Ysabel.
Saad ni Ogie, “Kami ng… anak-anakan ko iyan at saka kumare ko si Michelle, mga ninang ng anak ko ‘yan eh… so whatever their decision is, doon ako, okay lang ako.”
Para siya sa ikagaganda ng career ng talent niyang si Ysabel? “But actually they are transferring,” dagdag pa ni Ogie.
So iiwanan na siya, aalis na si Ysabel sa pangangalaga niya? “No, no… kasi mutual ‘yun, mutual… Sa GMA na sila, sa GMA na. Hindi naman ako… it’s always a mutual decision. Kasi hindi naman porke umalis, iniwan ka. Hindi, umalis kasi pinayagan ko,” sambit pa ni Ogie.
Pero puwede niya namang ‘di payagan, ‘di ba? “Oo! Eh kaya lang ganoon akong tao, eh. Maliit lang ‘yung mundo natin, ‘tsaka ‘di natin alam kung hanggang kailan tayo rito sa mundo. Kaya mas magandang gawin mo kung ano ‘yung makakapagpasaya sa iyo.”
Nagtampo ba siya sa pag-alis ni Ysabel sa poder niya? “Hindi, ano ka ba naman!” Mabilis na sagot ni Ogie.
“Ang liit-liit ng mundo. Hindi ako nag-ano… alam mo, hindi ako ang may pangarap para sa sarili ko-ang mga bata ang may pangarap para sa sarili nila na gusto nilang makilala, gusto nilang magkaroon ng show, gusto nila ng growth and okay lang sa akin,” dagdag pa niya.
Ano ang wish niya kay Ysabel sa paglipat nito sa GMA-7?
“All the best, tsaka nandito pa rin naman ako eh, ako ‘yung… in fairness to Michelle tsaka kay Ysabel na napakabait na bata, nagko-consult pa rin sila sa akin. Nakakatuwa kasi nandoon pa rin ‘yung respeto. Ako kasi ano eh, ‘yung gusto ko everybody happy. Ang shonda ko na ‘no, para mag-harbor pa ng mga ganyang ano.”
Dapat gaano pa katagal ang kontrata sa kanya ni Ysabel? “Six years… ‘di ba? Pero we’re still okay, ini-invite ko pa rin sila sa mga parties namin. Ganoon kami, ‘tsaka di kami nagsimulang maging magkaibigan dahil kay Ysabel. Nagsimula kami ni Michelle sa That’s Entertainment pa.”
Ano’ng mafi-feel niya kung i-bash si Ysabel at tawaging ingrata?
“No, hindi. No! Ipagtatanggol ko siya. Napakabait na bata ni Ysabel. Ganoon din ang nanay niya, napakabait. Nagkataon lang na gusto nila mag-explore, kaya rin humingi sila sa akin ng payo and ibinigay ko ang basbas ko,” wika pa ng komedyante.