NALULUNGKOT si Ogie Alcasid sa nangyayari sa kanila sa TV5.
Ang daming naglalabasang kuwento tungkol sa kalagayan ng mga artista at production staff sa Kapatid network.
Hindi itinatanggi ni Ogie na apektado sila pati ang mga programa nila.
May kuwentong natigil sandali ang taping ng gag show nilang Happy Hour at wala pang katiyakan kung magre-resume ba o wala na.
“Nakaka-sad,” pakli ni Ogie nang nakatsikahan namin sa promo ng nalalapit niyang concert na Ayokong Tumanda.
Sabi pa niya, “I don’t feel sad for me. ‘Yung staff talaga. Ramdam nila ‘yun eh. Every week counts, ‘di ba? ‘Pag wala, ngangey, ‘di ba!
“Sana, maayos natin ‘yun, ‘di ba? Ang huli namang balita, itutuloy naman daw.”
May nakabangko pa raw silang episodes nito at baka magkaroon lang daw ng isang replay.
Sinabi raw sa kanila magti-taping pa rin sila hanggang matapos ang buwang ito.
Hindi pa nila alam kung ano ang kasunod.
Dalawang linggo na lang pala, expired na ang kontrata ni Ogie. Kaya may usap-usapan na ring babalik siya ng GMA 7.
Regular silang nagkikita ni Michael V at ramdam niyang welcome siya kung gusto niyang bumalik sa Bubble Gang kung pababalikin siya sa GMA 7.
Sa ngayon ay wala pa raw siyang balak kung ano ang next step. Gusto niya munang kausapin ang ninong niyang si MVP na kumuha sa kanya.
“Let’s face it, TV5 has a problem. Very big problem.
“Ang gusto ko munang ka-dialogue, ang boss ko.
“Kailangan maging masinsinan muna ang pag-uusap namin na, ‘Boss, kailangan mo pa ba ako?’
“After three years, hindi pa namin na-accomplish ang gusto namin ma-accomplish, ‘di ba? Ang dami-dami pang changes.
“Alam n’yong palubog na ‘yung bapor tapos sabihin mo, ‘sama na rin ako.’ Parang ang hirap for me just to say that.
“I want my bosses to say na, ‘Dito ka, lulubog tayo together.’
“Tingnan natin, baka puwede pa natin matakpan ‘yung mga butas.
“Gusto ko maging open ang dialogue naming dalawa, at the same time gusto kong tapusin muna ‘tong concert saka ako makipag-usap talaga,” seryosong pahayag ng singer/composer.
Sa August 26 at 27 ang Ayokong Tumanda concert ni Ogie sa Music Museum, at excited siya rito dahil concept niya talaga ito na parang bumalik sa pagkabata kung saan kakantahin niya ang mga awiting kinakanta niya noong bago pa lamang siya sa pagkanta.
Special guests niya rito ang mga protégés niya kagaya nina Lara Maigue, Davey Langit at marami pang magagaling na artists na dumaan sa training nila.
May special segment din sina Regine Velasquez at Ai Ai de las Alas.
naka-survive ang gma nang umalis ka, pwede ka nang hindi bumalik.
Ogie, FLOP lahat ng show mo, ang laki p nmn ng talent fee mo s ABC5. You are just burden to the co.
same with sharon cuneta…kinuha ng tv5 at ang laki ng offer ngunit hindi nag-click after 2 years binitawan din ng tv5. malas nung iba na nasilaw sa laki ng offer. ngayon mga nganga lahat sila. minsan kasi dapat pairalin ang loyalty wag makinig sa managers dahil commission lang ang habol nyan. sana kung makakabalik pa yung mga nagsialis sa gma at abs.
Nobody watching anymore of your show,,that”s the reason….
Korek kaya babalingbing na naman sa GMA …sana wag n tanggapin