Ogie may giyera sa mga Kapuso

NI: MILDRED BACUD

Nagsimula sa blind item ni Ogie Diaz ang tungkol sa dalawang Inday na hayaan na lamang daw sa Congress ang isyu sa ABS-CBN shutdown.

Mabuting pagandahin na lamang ang kanilang mga teleserye at wag nang kumuda laban sa Kapamilya network.

Sabi pa ni Ogie sa kanyang post sa FB, “Me alam din naman ako sa inyong dalawa, pero sa panahon ngayon ng pandemya, hindi kailangan ng mamamayan ang mga kuda ninyo o malaman nila yung alam ko tungkol sa inyo. ”

Resbak naman ng headwriter ng Kapuso network na si Suzette sa kaniyang social media“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko. Napaka ironic na ‘yang “nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama.”

“Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin. Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.”

“Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang. Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya tang*na, sobrang proud ako. Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!”

Marami naman ang nagtanong kung sino pa ang isang Inday na tinukoy ni Ogie sa kanyang blind item.

Ayon sa source, executive umano ito ng Kapuso network.Spotted sa pagbibigay opinyon ay si Annette Gozon.Bago pa ang banggaang Ogie at Suzette ay nagbigay na siya ng makahulugang komento sa post ng nagngangalang Willy Ramasola na may stratehiya raw ang ABS-CBN na ginawa for real tax avoidance. Komento ni Annette, “Oh,baka GMA can copy this too to avoid paying taxes.hehehe.”

Sa komentong ito ay marami ang nag-react kay Annette at nagkwestyon na bakit daw siya naniniwala sa fake news?

So, habang may mga Kapuso stars na nakikisimpatya sa sinasapit ng Kapamilya , may mga nagtatanong bakit daw hindi maitago ng ilang executive ng Siete ang kanilang opinyon na para bang sumasang-ayon daw sila sa isyu na binabato sa ABS- CBN?