
NAKITA namin si Ogie Alcasid sa birthday party ng kaibigang Jun Lalin nu’ng Huwebes at naaliw kami sa mga tsika niya.
Bilib na bilib siya sa daughter niyang si Leila Alcasid dahil hindi niya ito pini-present o ino-offer kahit kanino, pero ang daming tumatawag sa kanya na interesado rito.
‘Yung magazine covers and features kay Leila ay kusang kinuha ang 19-anyos na dalaga at hindi nagpaka-stage father si Ogie.
Mabenta sa mga magazine at fashion shoot ang Ingliserang anak niya at ine-enjoy ito ng bagets.
Sabi sa amin ni Ogie, naaawa na siya kay Leila dahil halos hindi na ito kumakain dahil sa kaka-gym at kaka-diet.
Hindi mataba si bagets, pero alam mo naman daw si Mr. M (Johnny Manahan ng Star Magic), ang gusto ay talagang slim ang stars nito dahil naggi-gain ng weight ang itsura sa screen.
Ani Ogie, kaya rin siya napapa-gym ngayon ay dahil sa anak niya.
In fairness ay may mga nakaka-close na raw si Leila sa ABS-CBN lalo na ‘yung mga kasama nito sa acting workshop.
Ang talagang BFF nito ngayon ay ang dalaga nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.
Very close ang dalawang girls at sobrang magkasundo.
Kuwento pa ni Ogs, sa bahay nila ay merong nagta-Tagalog lessons (si Leila) at may nagpi-piano lessons (si Nate).
Parang gusto niyang mag-ballet lessons para may magawa rin siya. Ha! Ha! Ha!
Hindi masyadong nagtagal si Ogs sa party ni Jun dahil may recording pa siya para sa kanyang first album under Star Music.
NakakaLokal ang title ng kanyang ginagawang all-OPM CD na lahat ng songs ay accompanied ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.
Kasama rito ang ilan sa bagong compositions ni Ogie at ilang hit songs niya na ginamit na theme song sa mga pelikula ng Star Cinema.
Kung hindi June ay July ang release nito.