Ogie nagkasakit sa MMK

Nagsakit si Ogie Alcasid dahil kahit ang dami niyang ginagawa ay naisingit pa niyang mag-taping para sa first guesting niya sa “MMK.”

Marami na pala siyang natanggihan na “MMK” before dahil sa schedule, pero this time ay pinilit daw siya ng manager niyang si Leo Dominguez na tanggapin ito.

Bukod doon ay nakita niya raw si Direk Ruel Bayani sa Sine Sandaan at sinabi sa kanyang gawin na niya ito kaya tinuloy na niya.

Sa Sabado na ipapalabas ang kanyang “MMK” episode na kuwento ng isang puppeteer na dumanas ng mga hirap sa buhay. Napasabak sa drama si Ogs, na in fairness ay enjoy naman siya.

Next week naman (October 10) ang concert niyang “Ogie and the Hurados” kasama sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela at Rey Valera.

Sa dami ng guests niya ay mahaba ang show na ididirek ni Paolo Bustamante. Halos soldout na raw ang tickets sa “Ogie and the Hurados” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. (Allan Diones)