NAPAPAG-USAPAN sa ilang presscon kung ano na ang status ng TV 5.

Napabalita ay ang pag-resign ni Mr. Noel Lorenzana bilang chairman at pinalitan daw ito ni Mr. Chot Reyes.

May narinig pa kaming nagkakaroon ng conflict sa ilang executives ng TV5.

Hindi pa masagot kung nandiyan pa ba ang entertainment TV dahil naka-hold pa rin ang mga taping.

Nandiyan pa rin daw ang ilang malalaking stars ng Kapatid network kagaya nina Derek Ramsay at Ogie Alcasid.

Kinumusta namin si Ogie kay Regine Velasquez noong nakatsikahan namin ito sa press launch ng bagong endorsement niya sa PLDT na PLDT Home Smart Watch’s Peace of Mind campaign.

Sabi ni Regine, pagdating sa career ni Ogie, hindi siya nakikialam. Pero napapag-usapan nila.

Ani Regine, “Right now, hindi pa talaga siya nakapag-decide. Pero natutuwa siya dahil may mga interesado.

“Like ang GMA, may offer din sila. Natutuwa siya du’n sa fact na ‘yun. But, right now, hindi pa talaga siya nakapag-decide pero alam ko, extended pa rin ang contract niya sa TV5.”

Hindi sila nagti-taping pero nandiyan pa rin daw ang show ni Ogie.

Hindi makapag-decide pa ang kanyang asawa kung balik-Kapuso ba siya dahil nakakontrata pa ito sa TV5.