Si Ogie Alcasid ang unang kinuhang host sa bagong programa ng ABS-CBN 2 na Little Big Shots.
Nakapag-taping ito ng episode at sinamahan pa raw ni Regine Velasquez at ng anak nilang si Nate.
Nakita nilang excited ang bagets sa programang ito dahil mga halos kaedad nito ang guests ng kanyang daddy na nagpapakitang-gilas ng kanilang talent.
Pagkalipas ng ilang linggo, hindi na pala si Ogie ang host nitong programa kundi si Billy Crawford.
Base sa ilang napagtanungan namin, nakita nilang mas rapport si Billy sa mga bata.
Eh akala ba namin, kay Ogie na ito nakakasa?
Nung pumirma si Ogie ng kontrata sa Kapamilya network, itong Little Big Shots daw ang isa sa mga programang ipinangako sa kanya.
Bakit kay Billy na?
“Alam n’yo naman si ALV. Close ‘yan kay Cory (Vidanes), eh,” mabilis na sagot sa amin ng isang napagtanungan namin.
Ayaw lang niyang ibigay nag buong detalye, pero base sa pagkakaintindi sa kuwento niya sa amin, parang may isang show si Billy na hindi natuloy, kaya ibinigay na lang sa kanya ang Little Big Shots.
Ayaw niyang deretsahang sabihing nasulot ba ito kay Ogie.
Hindi kami sure kung totoo itong nakarating sa aming kuwento. Pero halos iisa lang ang nakuha naming impormasyon na para talaga ito sa singer/songwriter.
Isa kami sa nanghinayang dahil bagay ito kay Ogie, at swak na swak pa sa kanya ang title na Little Big Shots.
Meron daw ibibigay na ibang programa kay Ogie. Hindi lang nila masabi sa ngayon kung ano ito.
Walang isyu kina Ogie at Billy.
In fact, ni-repost pa ni Ogie sa Instagram ang poster ng Little Big Shots kung saan may big photo si Billy.
Na-karma siguo
good decision kay Billy napunta ang hosting. Si Ogie walang kasiyahan yan, pera lang ang katapat nyan, walang loyalty, Sa GMA ang ganda ng package sa kanya but iniwan pa rin dahil lumipat sa 5, but nalaos sya don kaya lumitapt sa 2. Anu tawag don. Maraming walang bilib ka Ogie dahil pera ang pinaiiral.
mas malakas syempre si billy kay ogie dahil kalilipat lang nito from tv5.