Ogie-Regine sitcom malabo na

Hindi masabi ni Ogie Alcasid kung kailan na ba talaga matutuloy ang sitcom na pagsasamahan nila ng asawang si Regine Velasquez sa ABS-CBN.

“Hindi yata tuloy ‘yun,” sey niya nang makatsikahan namin sa pocket interview para sa upcoming concert niyang “Ogie and The Hurados”.

“I don’t know, I really don’t know. Sa schedule rin namin, hindi rin kaya, eh,” aniya pa.

Matatandaang ang sitcom na ito ay isa sa mga nilu-look forward ni Regine nang lumipat siya sa ABS-CBN dahl matagal na nga niyang hindi nakakatrabaho sa TV ang mister.

“Actually, nag-meeting na kami, eh. But you know, may mga pagbabago. Okay lang din, kasi may mga raket,” natatawa niyang sabi.

Ang natuloy na finally ay ang guesting niya sa “Maalala Mo Kaya” na mapapanood ngayong Sabado. Maraming beses na raw siyang inalok ng MMK pero hindi niya raw matanggap-tanggap because of his schedule. But this time ay pinilit daw siya talaga ng manager niyang Leo Dominguez.

Paano ‘pag inalok siya ng teleserye?

“Depende, kung kaya ko ba. Why not? Basta kaya ko,” aniya.

Samantala, konsepto ni Ogie ang temang “Ogie and the Hurados” concert na gaganapin sa Oct. 10 sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila kasama ang mga fellow Hurados sa “It’s Showtime’s TNT (Tawag ng Tanghalan)” na sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela and Rey Valera.

Almost sold out na ang tickets at may repeat concert na raw sila na gaganapin sa Nov. 8.

Billy nadale ng cellphone snacher

Dumating na ang mag-asawang Billy Crawford and Coleen Garcia mula sa bakasyon nila sa Dubai pero pagdating na pagdating daw nila ng bansa ay may mga hindi raw magandang nangyari at isa na rito ay ang pagkakanakaw sa cellphone ng singer/TV host.

Ikinuwento ni Coleen sa kanyang Instagram account kung paano ninakaw ang cellphone ng asawa.

“Dubai completely exceeded my expectations, and we can’t wait to come back to complete our long To-do-in-Dubai list!

“But when @billycrawford got back, he got a flat tire in Pasig. While he was changing it himself and using his phone as a flashlight on the ground, some kids decided to steal it.

“That was only one of the many negative things that happened to him on that day. Many. Trying not to let it get to us, but Billy hasn’t had a phone (no messaging, no social media) since he got back, and it’s been challenging for him because of work.

“Doesn’t it suck when something tries to steal your joy? It seems like the happier we are, the harder the enemy tries to sabotage it. When you know you’re on the right path—the right attitude, the right mindset—don’t allow anything to bring you down. Choosing to be happy and grateful NO MATTER WHAT, because that’s actually what God wants us to do. Rejoice and give thanks in ALL circumstances. Siya na ang bahala sa kanila, at siya na rin ang bahala sa atin,” ang bahagi ng caption ni Coleen.