CONSIDERED sold-out na ang NakakaLokal birthday concert ni Ogie Alcasid sa KIA Theater ngayong Agosto 25.

Ang birthday concert kasi na ‘yon ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid ay para sa World Vision at sa mga proyekto nila against child exploitation na para sa singer/songwriter ay napaka-noble cause.

Sobrang pasasalamat ng mga taga-World Vision (Philippines), lalo na ni Mr. Jun Godornes, ang kanilang Resource Development Director, dahil sa pagpayag ni Ogie na gawin ang nasabing concert.

Pero bago pa man ang NakakaLokal concert ni Ogie, noon pa ay tumutulong na sila sa World Vision (Philippines).

Maraming sumusuporta sa World Vision (Philippines) ang nagsibili na ng tickets para sa NakakaLokal concert ni Ogie, kaya puwede nang makampante ang birthday boy.

Ang dapat na lang niyang intindihin ay ang mga gagawin niya roon.

Sa Agosto 27 ay 50 years old na Ogie, pero sa kanyang NakakaLokal concert ay patutunayan niyang kahit pagsasayaw ay kaya niya.

Oo nga pala, kamakailan lang ay nag-shoot si Ogie para sa music video ng NakakaLokal album niya under Star Music at sobrang nag-enjoy siya.

Kaliwa’t kanan din ang guestings niya sa shows ng ABS-CBN (pati sa kanilang cable channel) para i-promote ang kanyang NakakaLokal album.

Samantala, isa si Ogie sa mga celebrity na unang nag-post sa social media ng tungkol sa pakikiramay nila sa pagyao ng anak ni Randy Santiago.

“Our deepest sympathies to Kuya Randy and Marilou and their entire family.

“We extend our prayers as their beloved son Ryan has joined our creator. Grace be upon the family, in Jesus’s name,” ang pinost ni Ogie sa social media.