Ogie trending sa kaparehong jacket ng Korean singer

Aliw na aliw si Ogie Alcasid nang nag-trending siya last Sunday sa Twittter dahil sa suot niyang Gucci jacket. Ito ay dahil may ganito ring jacket ang Korean singer na si Jae Park ng boy band na Day 6.

Kwento ni Ogie kahapon sa presscon nila ni Ian Veneracion for Kilabotitos concert, “there’s a group called Day 6. So, nun’g Sunday, may suot akong jacket na Gucci, naks! Hindi ko na masyadong sinusuot ‘yun.”

Patuloy pa ng singer, ang requirement daw kasi sa kanila sa ASAP Natin ‘To last Sunday ay floral outfit.

“So, sinuot ko siya, then a fan posted, “who wore it better, Ogie or Jae?” So, nakita ko ‘yung post, sabi ko, “of course, Jae.” And then, niretweet niya.

“Ganu’n pala pag ni-retweet kang ganu’n, laking bagay na fandom ‘yun. So, biglang for some reason, nagte-trend ‘yung pangalan ko nun’g Sunday.

“Akala ko naman, dahil sa ASAP, dahil kumanta ako. Hindi pala. Dahil sa jacket ko.

“So, tiningnan ko ‘yung thread. Nakakatuwa naman itong mga fans ng Day 6, coz they kept. . .parang pinapakilala nila ako kay Jae,” kwento pa ni Ogie.

Hanggang sa finally ay in-acknowledge raw siya ni Jae and followed him sa Twitter at nag-PM (personal message) pa sa kanya.

Nakita nga raw agad ng mga fans ang pag-follow ni Jae sa kanya at naghinala agad na baka nag-PM sa kanya.

“’Yung mga fans nila, ‘oh my gosh, they follow each other, baka nagka-PM-an na sila, ganu’n-ganu’n,” sey pa ni Ogie.

Siyempre, tininignan din daw niya ang music ng Day 6 especially Jae and found out na magagaling pala ang mga ito.

“This guy (Jae), I think, he’s 27 years old, really good music, guitar player also, ang ganda ng music ng banda nila,” papuri pa ni Ogie.

Sa nasabing presscon ay dala-dala nga ni Ogie ang Gucci jacket na hindi niya akalaing magte-trending.

Samantala, ang Kilabotitos ay ang first concert together nina Ian at Ogie. Gaganapin ito sa March 20 & 21, 8pm sa New Frontier Theater.

Matatandaang last year ay ipinag-produce ni Ogie si Ian ng concert titled In Colors. Sobrang successful ang show at dito nga niya naisip na bakit hindi mag-collaborate in one concert.

Ayon naman kay Ian, nang ipag-produce siya ni Ogie ng show last year ay sobrang honored and proud na niya lalo pa nga’t nag-guest pa ito sa kanya kasama si Regine Velasquez.

At ngayong magkasama na sila sa isang concert mismo na sila talagang dalawa ang headliners, siyempre, mas lalo siyang na-excite and na-flatter.

“I’m just happy na bago pa lang ako sa music industry and sila ‘yung talagang nandiyan na and they’re very supportive,” sabi ni Ian.

“It’s just so much fun kasi kahit sa mga brainstorming namin in terms of our sense of humor or references, ‘yung mga songs that we enjoy listening to and we love playing, ang dami naming magkakasundo, pati sa kalokohan, mga kulitan.

“So it’s gonna be fun. I’m really excited for this,” dagdag pa ng aktor/singer.

The concert will have a vast repertoire of “tito hits” from the Beatles, James Taylor, Hall and Oates and Spandau Ballet to name a few. Ogie and Ian will make sure that the audience can sing along and join in their laugh out loud repartee.

For tickets, visit ticketnet.com.ph or you can call Ateam ((0906-287-8049 and 0917-795-8283).

Jasmine susugurin si Anne

Nasabi na ni Jasmine Curtis-Smith noon pang bago manganak ang ate Anne Curtis niya na the moment na lumabas ang kanyang pamangkin ay pupunta agad siya sa Australia para makita ito.

As we all know ay nanganak na nga si Anne sa Australia last March 2 sa first baby girl nila ni Erwan Heussaff kaya for sure ay isa rin sa masayang-masaya si Jasmine.

‘Yun nga lang, hindi rin pwedeng magtagal si Jasmine dahil may taping siya ng kanyang serye.

Ang lahat ay naghihintay nga ngayon ng update mula sa mag-asawa pero up to now ay wala pa silang posts sa kani-kanilang Instagram.