Ni: Rodel Fernando
Nasa ika-31 na taon na ang Abante Tonite. Institusyon na siyang maituturing sa larangan ng pagbabalita at paghahatid ng entertainment at serbisyo publiko.
Marami sa mga local artist ang tumatanaw ng utang na loob sa pahayagang “Mabilis sa Balita”.
Isa na rito ang sikat na singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
“Halos sabay sa career ko ang Abante Tonite kaya malaki ang aking utang na loob ko sa inyo. I remember the Troika of Tito Oskee, Tito Billy and Tito Alfie who have helped so many of us in the industry. Of course, pati na rin ‘yung mga writers ng Tonite na tumutulong sa akin hanggang ngayon,” deklara niya.
May mensahe naman siya sa Abante Tonite.
“I would like to greet Abante Tonite on it’s 31st anniversary. Sa lahat po ng bumubuo ng Abante Tonite, God bless you and congratulations on your 31st year!!!”