OGIE, WALANG SILBI!

Ogie Alcasid

WALA raw party si Ogie Alcasid sa kanyang 49th birthday sa August 27.

Ang gusto niya kasi ay ‘tayo-tayo’ lang, pero ang sabi sa kanya ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, ‘yung tayo-tayo niya ay nagiging 100 katao kaya big party na rin ‘yon.

Hindi pa nila napag-uusapang mag-asawa kung anong gusto niyang matanggap na birthday gift.

Basta ang sabi ni Ogie kay Reg, gusto niya ng coffee maker sa kuwarto nila.

Nasa baba kasi ‘yung coffee maker nila, so wala silang gawaan ng kape sa kuwarto.

Touched si Ogs dahil okey lang kay Reg kahit mag-amoy kape ang kuwarto nila.

Binigyan na siya ni Regine ng Cartier na Steph Curry bracelet na nakasulat ang kanyang paboritong Bible verse na Philippians 4:13.

Cute ‘yung kuwento ni Ogie na dahil puma­pasok na sa Nursery school ang anak nilang si Nate, sinabihan ito ni Reg na hindi na puwedeng matulog sa kuwarto nilang mag-asawa si bagets.

Hirit ni Ogs, “Naku, may plano lang ‘yang nanay mo kaya ayaw kang patulugin sa tabi ­namin!”

Medyo nagtampo ang 4 years old na si Nate at nagdayalog ito ng, “I don’t like mommy!”

Eh, narinig ni Regine. Ayun, sinabon si ­bagets!

Pinaliwanag nila na kaila­ngan nitong matutong matulog sa sarili nitong kuwarto. Lagi na lang kasi itong nakatabi sa kanila.

Nakakatuwa si Nate na luma­laking matalino.

Fan pala ito ng Kramer family at nag-request ito kay Ogie na papuntahin doon sa bahay nila ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer and their kids.

Feeling ni Ogs ay naghahanap ng kalaro si Nate dahil siya lang palagi ang kalaro nito at napapagod din siya.

Keri niya bang bigyan ng kalaro si Nate?

“Ako, ready ako anytime!” nakangiting sagot ng mister ni Songbird.

Eh si misis?

“‘Yun ang ano… wala na yata talaga, eh! Nakakailang try na kami, eh.

“Alam mo ‘yung papunta na ako sa Mercury Drug para bumili ng pam-pregnancy test?

Kasi, feeling ko, buo na. Kasi, nag-skip ng menstruation, masungit, emotional…

“Sabi ko, ‘Aba, parang eto na ‘yon, ah?’ Tapos, negative pa rin!”

In fairness ay hindi pa raw perimenopausal si Reg.

Actually, ang ganda-ganda raw nito ngayon, eh.

Kaya lang, maagang matulog si Ogs dahil tumatakbo siya nang maaga kinabukasan.

8:30 PM pa lang ay inaantok na siya.

Paggising niya ay sasabihin sa kanya ni Reg, “Naku, wala kang silbi! Hinihintay kita, nagkukuwentuhan tayo, tapos biglang naghihilik ka na!”

Eh siya naman pala ang may kasa­lanan, eh!

“Oo, ako ang may problema. Wala akong silbi! Ha! Ha! Ha!”

May 2-night birthday concert si Ogie sa ­Music Museum sa Aug 26 & 27.

Guests niya sa Ayokong Tumanda sina Regine, Lara Maigue, Davey Langit, Q-York at Basti Artadi.

Si Ai Ai de las Alas ay guest sa mismong birthday niya sa Aug. 27.