Oil hike pa more

oil-price-hike

Magpapatupad ng panibagong oil price hike ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa ­pandaigdigang pamilihan.

Ito’y sa kabila ng tatlong magkakasunod na pagtaa­s ng presyo na nangyari nitong mga nakaraang linggo.

Mangunguna sa naturang pagtataas ang Flying V, kung saan nasa P0.50 kada litro sa gasolina, P0.15 sa diesel at P0.20 kada litro naman sa kerosene ang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula­ ngayong alas-12:01 ng madaling-araw.

Sumunod ang kompanya ng Pilipinas Shell, Seaoil­, Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum na susundan ng iba pang oil company tulad ng Total ­Philippines.