Oil price hike na naman!

Panibagong oil price increase ang nakaamba sa papasok na linggo.

Ito ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) base sa kanilang inilabas na consumer advisory kahapon.

Aabot umano sa P0.50 per liter ang dagdag sa presyo ng diesel, nasa P0.35 naman sa bawat litro ng gasolina samantalang P0.25 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Sinabi ng DOE na malaki ang naging bahagi ng international oil tra­ding sa panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Noong nakaraang Martes ay nagpatupad din ng price increase ang mga oil companies para sa kanilang diesel, gasolina at gaas.