Oil price hike nagbabadya

Nakaambang magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng petrolyo sa pagpasok ng linggong ito.

Ayon sa ilang source, maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.60 hanggang P0.70 sa kada litro ng diesel.

May dagdag din umano sa presyo ng kerosene na papalo sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro.

Sa datos mula sa De­partment of Energy (DOE), sa ngayon ay nag­lalaro ang presyo ng kada litro ng diesel sa P26.87 hanggang P32.41 at P36.70 hanggang P47.61 naman sa gasolina.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.