Oil price hike nakaamba

May nakaamba na panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang pahayag kahapon ng ilang sa mga kumpanya ng langis sa bansa.

Batay sa isang source mula sa industriya ng la­ngis, nasa P0.25 hanggang P0.35 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Habang tataas din ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro sa diesel at sa kerosene naman posibleng papalo naman sa P0.15 hanggang P0.20 kada litro.

Sa pinakahuling price monitoring ng Department of Energy (DOE), mula noong Hulyo 25 ay umabot na sa P2.45 ang itinaas ng presyo ng ga­solina.

Nito lamang Agosto 22 ay nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa bunsod ng paggalaw sa presyo nito sa world market.