Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo nga­yong umaga, Hulyo 11.

Pinangunahan ng Flying V ang dagdag presyo na P1.20 kada litro sa diesel, P0.70 kada litro sa gasoline at P0.90 naman kada litro sa kerosene na epek­tibo ngayong alas-12:01 ng hatinggabi.

Sumunod naman ang kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum at Seaoil na nagpatupad din ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga na epek­tibo ngayong alas-sais ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patu­loy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigan pamilihan.