Oil price hike uli

oil-hike

Muli na namang nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayon.

Pinangunahan kahapon ng kompanyang Flying V ang dagdag presyo na tig P0.40 kada litro sa gasoline at diesel habang nasa P0.50 centavos kada litro sa kerosene na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga kaninang alas-sais ng umaga.

Inaasahan naman na susunod din ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng oil price hike sa kanilang produktong petrolyo sa kahalintulad din na halaga.