Oil price rollback

Nakatakdang magpatupad ng oil price rollback ngayong linggo ang mga kumpanya ng pro­duktong petrolyo.

Ito ang unang pagkakataon na magpapatupad ng rollback ngayong buwan ng Hunyo ang mga oil companies, matapos ang dalawang sunod na oil price increase noong nakaraang buwan.

Ayon sa oil industry source, maglalaro sa P0.70 sentimo hanggang P1.00 ang inaasahang bawas presyo sa kada litro ng krudo at diesel.

Samantala, kamakailan, una nang napaulat na tataas ang presyo ng gasolina sa loob ng mahigit na anim na buwan, matapos mapagkasunduan ng organization of oil producers exporting countries (OPEC) na itigil muna ang produksyon ng langis sa pandaigdigang merkado.