Magandang balita sa mga motorista.

Epektibo bukas, ­Martes, magbabawas ng P1 sa halaga ng produktong petrolyo.

Base sa anunsyo ng Department of Energy, maglalaro sa P0.90 hanggang P1 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene.

Mas mababang rollback na aabot sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang ipatutupad sa presyo ng gasolina.

Sa ipinadalang abiso ng Petron kahapon, magkakaroon din ng pagbaba sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas sa halagang P4.85/KG o P53 para sa standard 11-KG household cylinder simula alas-12:01 ng hatinggabi ngayong Mayo 1.

Ibababa rin ng ­Petron ng P2.73/liter ang Xtend AutoLPG na resulta ng paggalaw ng halaga ng international LPG ­contract sa buwan ng Mayo.

One Response

  1. MAGALING TALAGA ANG MGA BUSINESSMAN NA MGA ETO…..KONTENG ROLL BACK…….TAPOS PAG DAGDAG TRIPLE NAMAN…..HAHAHAHA…..MGA LINTA AT BUWAYA TALAGA!!!!