Oil price rollback pa more

Nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ­epektibo ngayong umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Petron ­Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang ­bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene epektibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng pagbaba sa presyo ng mga produktong ­petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng ­langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa ­patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa ­pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo na P0.45 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene. ­(Armida Rico)